BAGUIO CITY – Nagpakamatay ang isang turistang babae sa loob ng tinuluyang sikat na hotel sa Baguio City kaninang umaga lamang.
Ang babae ay 28-anyos na service crew at residente ng Pulay Villasis, Pangasinan.
Batay sa nakuhang impormasyon ng mga pulis, nag-check in ang nasabing turista noong February 9 at nakita pa siyang kumain ng kanyang hapunan kagabi.
Ngunit kaninang umaga ay natagpuan na lamang ang katawan nito sa loob ng kanyang kuwarto na nakasabit sa cabinet gamit ang extension chord sa kanyang leeg.
Nalaman din ng mga pulis ang pag-video sa sarili bago tuluyang kinitil ang kanyang buhay.
Inamin naman ng kanyang live-in partner na si Kyle Lim Chua, 37-anyos, manager ng isang mall sa Pangasinan, na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan hinggil sa kanilang relasyon.
Hindi umano sumasagot sa cellphone ang kinakasama hanggang sa napanood ang pinadalang video na namamaalam na sa kanya.
Dinala ang labi ng turista sa isang punerarya sa Baguio City, habang hinihintay ang desisyon ng pamilya kung isasasailim sa otopsiya ang bangkay.
BNN Morning Edition | 02.22.2019
BNN EVENING EDITION | 02.21.2019
BNN Noontime Edition | 02.21.2019
BNN Morning Edition | 02.21.2019
BNN Evening Edition | 02.20.2019
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved