Reading Time: 1 minute

LEGAZPI CITY – Excited na umanong makauwi sa island province ng Masbate at makapagbigay ng serbisyo sa mga kababayan ang naging top notcher sa Physician Licensure Examination 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Clinton Rabadon, hindi nito mapigilan na maluha habang pinapasalamatan ang mga tumulong at sumuporta sa kanya upang makamit ang tagumpay sa buhay.

Nakahanda na umano si Dr. Rabadon sa misyon na makatulong sa mga Masbateño na hindi kayang makapagpakonsulta sa ospital sa labas ng isla.

Sa ngayon plano ni Rabadon na kumuha ng internal medicine bilang field of specialization oras na matapos na ang kanilang selebrasyon.

Nabatid na nanguna si Rabadon sa nasabing eksaminasyon sa rating na 89.83 percent na kahati sa top spot si Jan Bendric Co Borbe ng University of Sto. Tomas.