'Tinanggal sa Art. 3, bubuhayin sa ibang artikulo'

Chief Justice CoronaChief Justice CoronaPinawi ngayon ng House prosecution panel ang pangamba ng mga naniniwala sa kanilang mga alegasyon laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ito'y matapos magdesisyon ang lupon na hindi na lamang talakayin at iprisenta ang kanilang mga testigo at ebidensiya para sa ikatlong artikulo matapos ibasura ng Senate Impeachment Court, may pag-asa pa rin umanong matalakay ang mahahalagang bahagi ng nasabing complaint.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ang naisantabing punto sa Article 3 partikular na ang isyu ng entanglement o alyansang Arroyo at Corona ay sisikapin naman nilang maipakita ng mas malinaw sa iba pang artikulo.

Sinabi naman ni Marikina City Rep. Miro Quimbo at isa sa spokesman ng prosekusyon, sasalain na lamang nila ang mga testimonya at dokumento na direktang nagbibigay ng eksaktong bigat sa inihaing impeachment articles.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter