Ethics probe vs Umali, Banal, hinahanda na

KamaraKamaraHinahanda na umano ng minorya sa Kamara ang ihahaing ethics complaints laban kina Quezon City Rep. Jorge Banal at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali dahil sa sinasabing paglabag sa Republic Act 1405 o The Bank Secrecy Law.

Inihayag ni Isabela Rep. Rodolfo Albano, na dahil umano sa pakikialam ng dalawang kongresista sa mga bank records ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona, namantsahan ang reputasyon ng kanilang institusyon.

"Para ngayong sinabi na kami ay nagsisinungaling at nilabag namin ang batas ng bank secrecy which was passed by Congress," ayon sa mambabatas.

Maalala na sa nakaraang paglilitis sa Senado, inihayag ni Umali na galing umano sa isang "small lady" ang hawak nitong mga kopya ng bank accounts ni Corona habang napulot naman ni Banal sa tapat ng kanilang bahay ang mga ebidensiya.

Pero sa testimoniya ng isang opisyal ng PSBank sa impeachment court, iginiit ng mga ito na peke ang mga rekords na hawak ng dalawang kongresista.

"We will just concentrate on Banal and Umali. Apparently, they violated the bank secrecy law by providing these fake documents in the impeachment proceedings. We will pursue and continue our investigation," dagdag ni Cong. Albano.

Sa panig nina Umali at Banal, inihayag ng mga ito na kanilang ginagalang umano ang desisyon ng kanilang mga kasamahan na sampahan sila ng reklamo.

"That (ethics complaint) would be unfortunate but that's within their (minority) prerogative," ani Umali sa isang mensahe.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter