'Naarestong suspek sa Pinay murder, positibo'

Paris, FranceParis, FrancePositibo umano ang naarestong suspek sa pagpaslang sa isang negosyanteng Pinay sa bansang France.

Iniulat ni Philippine Ambassador to France Cristina Ortega, na narekober ng mga otoridad mula sa 40-year old Algerian national ang duguang mga damit at patalim na pinaniniwalaang ginamit sa kremin.

"Sigurado na sila na yung naaresto ng pulis ay siya ang nag-commit ng napakasamang violence, [ang] death ni Ellen,” ayon kay Ambassador Ortega.

Una ng inihayag sa Bombo Radyo ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez na posibleng kakilala ng biktimang si Ellen Ortega-Apilado, may-ari ng isang travel agency sa Paris ang salarin.

Maalala na noong Pebrero 17, natagpuang patay si Apilado sa loob ng kaniyang opisina at may tama ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Kabilang sa mga motibong nakikita ng mga imbestigador sa kremin ay pagnanakaw.

Nilinaw naman ng opisyal na isa ng naturalized French national ang biktima.

"The Embassy is committeed to ensuring the safety of Filipino community in France and the early resolution of the case."


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter