Oil price nasa $106/barrel dahil sa Iran tension

photo courtesy: cbc.caphoto courtesy: cbc.caSINGAPORE — Pumalo ngayong hapon sa $106 kada bariles ang presyo ng krudo sa world market sa gitna ng pangambang dulot ng nuclear program ng bansang Iran.

Ang Benchmark crude para sa buwan ng Abril ay lomobo umano ng 11 cents sa $106.36 per barrel.

Ang Brent crude ay naitala naman sa $121.50 per barrel sa London.

Kahapon, nagbabala si Iranian General Mohammed Hejazi na nakahanda umano ang kanilang gobyerno na magsagawa ng pre-emptive strike laban sa anumang bansa na may banta sa kanila.

Nitong weekend, tinigil na rin ng Iran ang pagbibenta ng langis sa Britain at France bilang paghihiganti umano sa planong European oil embargo.

Sa lokal na merkado, dalawang magkasunod na pagtaas ng gasolina ang gumising sa mga motorista ngayong araw.

Kaninang alas 12:00 ng hatinggabi, itinaas ng Eastern Petroleum ng P1.00 kada litro ang presyo ng kanilang gasolina at P0.50 kada litro naman sa diesel.

Alas 6:00 naman ngayong umaga, P1.15 kada litro ng gasolina ang ipinatupad na oil price hike ng Shell at Chevron; habang P0.55 sa kerosene o gaas at P0.50 sa kada litro ng diesel.

Ang paggalaw ng presyo sa world market ang sinasabing dahilan ng panibagong oil price hike.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter