BSP at AMLC, iimbestigahan na ng Senado

BSPBSPMaliban sa impeachment proceedings, magkakaroon ng hiwalay na imbestigasyon ang Senado kaugnay ng isinasagawang audit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa bank records ng mga politiko sa bansa.

Kasabay ng isinagawang sesyon ng Senado nitong umaga, mismong si Senate President Juan Ponce-Ernile ang nagsulong na dapat imbestigahan ng kapulungan ang usapin dahil nakakabahala umanong nagkaroon ng mga paglabag sa batas ang BSP at AMLC kung saan tina-target ang bank records ng mga politiko na tinatawag nilang "politically exposed person" (PEP).

Binasa kasi ni Sen. Teofisto "TG" Guingona III sa sesyon ang naging press statement ng BSP kung saan mariing itinatanggi na sila ang nagpakalat ng mga dokumentong may kinalaman sa bank records ni Corona.

"BSP examiners did not access the deposit account records which include the signature cards of Chief Justice Renato Corona. They never requested to see the deposit account records of the Chief Justice nor were they presented the deposit account records of the Chief Justice. BSP examiners therefore could NOT have copied nor secured copies of such deposit account records including the signature cards of Chief Justice Renato Corona," bahagi ng kalatas ng BSP.

Dahil dito agad na sisimulan ng Senate committee on banks ni Sen. Serge Osmeña sa araw ng Lunes ang imbestigasyon kung saan kabilang sa mga pinadadalo ang mismong gobernador ng BSP at chairman ng AMLC.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter