Arraignment vs CGMA, itinakda na bukas

Gloria ArroyoGloria ArroyoTuloy na umano bukas ang pagbabasa ng sakdal kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong electoral sabotage.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo, gaganapin ang arraignment ganap na alas-8:30 ng umaga bukas sa sala ni Pasay City-Regional Trial Court Branch 112 Judge Jesus Mupas.

Maalala na unang itinakda ng korte ang arraignment sa susunod na buwan, subalit pinagbigyan umano ni Judge Mupas ang kahilingan ng depensa na gawin ito ng mas maaga.

Si Arroyo kasama si dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos ay naakusahan na nasa likod ng malawakang dayaan noong nakaraang 2007 mid-term elections.

Kasalukuyang naka-hospital arrest ang former president sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter