Latest News
- (Update) Corona, naghamon sa prosec: Lumagda rin kayo ng waiver
- (Update) Corona, lumagda ng waiver
- (Update) May basehan sa batas ang 'di pagdeklara ng dollar accounts - CJ
- (Update) Pagluha ni Corona, hindi scripted - defense
- (Update) CJ pinayagang gumamit na rin ng Powerpoint presentation
- (Update) JPE, binalaan si CJ sa isyu ng tagong yaman
- Palasyo, agad sinagot ang patama ni Corona vs P-Noy
- P24-M halaga ng marijuana, sinunog ng mga pulis sa Kalinga
- (Update) 'Di ako gumamit ng impluwensiya sa BGEI case - CJ
- (Update) Testimonya ni Corona, ipinagpatuloy
Most Read Article
- Sex scandal ng 2 estudyante sa Iloilo, pinagpipyestahan
- Sex video scandal ng medrep at nurse sa ospital, pinagpipiyestahan sa Albay
- Oprah post pabor kay Shamcey Supsup, kumalat sa social media sites
- Mahigit 20 bagyo, inaasahan sa Pilipinas ngayong 2011 - Pagasa
- Pamilya ni RJ at Ramona Bautista, magsasampa ng kaso vs pulis
Senado, nabahala sa Del Castillo impeachment
Mariano del CastilloNababahala ang ilang senator-judges sa tila pananadya ng Kamara de Representantes na tambakan sila ng impeachment cases habang nililitis pa ang kaso ni Chief Justice Renato Corona.
Ito’y matapos palusutin ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo kaugnay ng kasong plagiarism o pangongopya ng desisyon sa kaso ng comfort women.
Sinabi nina Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada at Sen. Tito Sotto kung gusto ng mga kongresista, i-impeach na lahat ang mga mahistrado at iba pang impeachable officials para ito na lang ang kanilang gagawing trabaho.
Bagamat iginiit ng dalawang senador na handa pa rin ang Senado na tuparin ang kanilang Constitutional duty bilang impeachment court.
Una na ring nagpahayag ng pagkabahala si Sen. Joker Arroyo sa nakaambang pagsumite sa Senado ng impeachment articles laban kay De Castillo kung saan ngayon pa lamang aniya ay lubhang apektado na ang legislative works ng Senado sa kaso ni Corona.
"Let’s not make a cottage industry of impeachment. It’s not easy for us here,” ayon kay Arroyo.
Samantala, hindi naman daw nagmamadali ang House of Representatives na maisalang sa impeachment court ang kaso ni Del Castillo.
Giit ni House Majority Leader Neptali Gonzales, inaasahan na sa susunod na linggo pa isusumite ng House justice committee ang report nito kaugnay sa Del Castillo case.
Maalala na sa botong 38-10, tinukoy ng justice committee na may probable cause ang reklamo laban sa associate justice.
Sa ilalim ng rules, mangangailangan ng 1/3 o 95 votes mula sa mga miyembro ng mababang kapulungan para ma-impeach si Del Castillo at maiakyat ang kaso sa Senado.
Alinsunod din sa panuntunan, mayroong 60 days ang Kamara para aksyunan ang reklamo at kundi hindi umano ay mababasura ito.
Hinimok naman ni Gonzales ang publiko na huwag umanong mapagod sa usapin ng impeachment dahil ito umano ang paraan para mapanagot ang mga accountable impeachable officials.
- 'Alalahanin ang kabayanihan ng Feb. 22, 1986’
- Pacquiao at Bradley nag-faceoff sa LA
- 'Settlement' sa labi ni Iggy, tatalakayin ng korte
- Pinay maid's case, inapela ng HK gov't
- 'Lent, season of prayer, penance and love'
- High-risk inmates transfer, aprubado ni P-Noy
- Sen. Miriam, isinapubliko ang karamdaman
- Pagtanggap ng perks sa gambling lords, OK lang
- NBI Deputy director Esmeralda, inambus
- Kapatid ni Imelda na si Kokoy pumanaw na, 81
- House witness, ibinasura ng impeachment court
- 'PSBank, 'di nag-leak sa bank records'
- Hirit vs oil VAT, ibinasura ng Palasyo
- 'Impeach rap vs Del Castillo, may probable cause'
- 'High profile inmates' ilipat na, ASAP'
- LRTA chief, nagbitiw na sa puwesto
- Grace Ibuna, mag-uuwi sa labi ni Iggy - UK court
- BSP, umalma sa pagkadawit sa Corona case
- Walang inoobliga sa 26th EDSA anniv - Palasyo
- 'Respetuhin ang proseso ng impeachment trial'


