'Alalahanin ang kabayanihan ng Feb. 22, 1986’

Edsa ShrineEdsa ShrineUmaasa ang Malacañang na hindi makakalimutan ng taongbayan ang mga aral ng EDSA People Power Revolution partikular sa mga kaganapan noong Pebrero 22 noong 1986 na ginugunita ngayong araw.

Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa Bombo Radyo, mahalagang alalahanin ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa paglaban ng kamalian sa rehimeng Marcos.

Ayon kay Lacierda, nasaksihan sa araw na ito ang kahandaan ng mga Pilipino na ibuwis ang buhay para sa bansa.

Magugunitang noong alas-6:30 ng gabi noong February 22, 1986, sa pamamagitan ng ipinatawag na press conference sa Kampo Aguinaldo, nagdeklara ng pagkalas sa Marcos regime sina dating Defense Minister Juan Ponce-Enrile at dating Heneral Fidel Ramos.

Ilang sandali matapos nito, nagpatawag din ng sariling press conference si Marcos at sinabi niya kina Ramos at Enrile na sumuko na lang at "tigilan ang kamangmangang
ito."

Bandang alas-9:00 ng gabi, sa pamamagitan ng Radio Veritas na pinapatakbo ng Simbahang Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa taongbayan na pumunta sa EDSA para suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa Kampo Crame at Kampo Aguinaldo.

Sa kabila ng nakaambang kapahamakan, tumugon ang mga sibilyan, maging ang mga madre at pari at nagpunta sa kahabaan ng EDSA.

Bago ang ‘defection’ nina Ramos at Enrile, si dating Pangulong Cory Aquino ay nasa Cebu noong araw ding ‘yon para ihayag ang kanilang ipinaglalaban.

Dahil sa nasabing pagkalas nina Enrile at Ramos nagsimula ang debate kung ang EDSA Revolution ay resulta ba ng ‘People Power’ o tagumpay ng ‘military coup d’etat.’

”This event reminds us of the solidarity of the Filipino people in resisting wrongdoing and the willingness to lay down their lives for their country,” ani Lacierda Bombo Radyo.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter