'Settlement' sa labi ni Iggy, tatalakayin ng korte

Rep. Iggy ArroyoRep. Iggy ArroyoNakatakdang ipresenta ngayong araw sa korte ng mga abogado nina Aleli Arroyo at Grace Ibuna ang nabuong settlement kaugnay sa kostudiya ng labi ng namayapang si Negros Occidental Rep. Ignacio "Iggy" Arroyo.

Maalala na sa unang pagdinig ng Quezon City Regional Trial Court, ipinahiwatig ng dalawang panig ang kanilang interes na magkaroon na lamang ng kasunduan para maiwasan ang mas mahabang argumento sa hukuman.

Ayon kay Atty. Leonard de Vera, abogado ni Ibuna, nakatakda umano nilang sasabihin sa sala ni QC-RTC Branch 92 Judge Eleuterio Bathan ang "terms" ng settlement.

"In the hearing, we will tell the court if we had agreed and what are the terms. If there is no settlement, then it (case) will push through," ani De Vera.

Ang tinutukoy na kaso ay kaugnay sa pagkilala kay Aleli bilang legal na asawa ni Iggy Arroyo.

Aminado naman si Atty. Lorna Kapunan, ang abogado ni Aleli Arroyo na nakasalalay din sa kaso ang isyu ng magiging hatian sa mga iniwang yaman ng kongresista.

"Of course. That's the value of the marriage certificate."

Samantala, wala pa umanong itinakdang petsa para sa pag-uwi ng labi ni Iggy Arroyo mula sa London, matapos igawad ng UK High Court ang karapatan kay Grace Ibuna.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter