Pinay maid's case, inapela ng HK gov't

HK High CourtHK High CourtPursigido umano ang Hong Kong government na mabasura ang court ruling na nagbibigay ng permanent residency sa mga foreign domestic helpers sa nabanggit na special administrative region.

Sa unang araw ng pagdinig ng Court of Appeals, iginiit ng government counsel na si Lord Pannick QC na nasa diskresyon ng mga otoridad ang pagtukoy kung sino lamang ang papayagang manirahan sa kanilang bansa.

Maalala na noong nakaraang taon, idineklara ng Court of First Instance na "unconstitutional" ang Hong Kong’s Basic Law na nagbabawal sa mga foreign domestic helpers na makakuha ng permanent residency sa naturang rehiyon.

Ang landmark case ay isinampa ng Filipina domestic worker na si Evangeline Banao Vallejos.

Sakaling mapagtibay ang naunang kautusan ng korte, tinatayang mahigit 100,000 mga foreign workers sa Hong Kong ang papayagan ng dalhin sa nasabing bansa ang kanilang mga dependents at maaring makinabang sa mga benipisyo mula sa gobyerno.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter