'Lent, season of prayer, penance and love'

Muling nagpaalala ngayon ang Simbahang Katolika sa mga mananampalataya na gunitain ang penitential season ng makatotohanan para sa tunay na “spiritual renewal” .

Sa isang kalatas, hinimok ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Cebu Archbishop Jose Palma ang lahat na isentro ang kanilang pananampalataya sa pagbabagong-buhay, sa pamamagitan ng panalangin, penitensiya at pagmamahalan.

Ngayong araw ang tinaguriang Ash Wednesday, na siyang simula ng 40-araw na Lenten season para sa mga Romano Katoliko.

“The most important thing for us to do during the Lenten Season is to reflect on God's love.. I can only hope we will all be renewed especially when we get to appreciate our dignity as children of God,” ayon kay Archbishop Palma.

Sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan, ngayong araw sisimulan ng mga Katoliko ang pagbabasa ng bagong English version ng Lord's Prayer.

Una ng inihayag ni dating Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na pagkakataon aniya ang selebrasyon para magbago kahit pa nahahaluan ito ng kung anu-ano dahil may mga nagpapalagay ng abo sa noo nang hindi alam kung ano ang ibig sabihin nito.

Dagdag ng arsobispo, naniniwala pa rin siya na marami pa rin ang nakakaalam sa tunay na kahulugan ng Ash Wednesday.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter