High-risk inmates transfer, aprubado ni P-Noy

Pinabulaanan ng Malacañang na binalewala ng gobyerno ang concern ng Cotabato government kaugnay sa mga high profile inmates sa Kidapawan City Jail.

Magugunitang humihiling si Cotabato Gov. Talinio Mendoza kay Pangulong Aquino na tingnan ang kanilang concern sa 16 na inmates dahil hindi inaaksyuan ng DILG at DoJ.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, inaprubahan ng Pangulong Aquino ang rekomendasyon at ipinarating na nila sa Court Administrator noon pang nakaraang taon.

Ayon kay Lacierda, hiniling na rin nila ang tulong ng RTCs para magkaroon ng court order sa kinauukulang paglilipat ng mga high-risk inmates.

Batay sa rekomendasyon, ililipat sa Bicutan jail sa Taguig City ang mga nasabing preso para maiwasan ang anumang kaguluhan.

“President approved our recommendation to petition courts to transfer cases of high-risk inmates to Manila. But we need court orders to expedite it,” ani Lacierda sa Bombo Radyo.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter