NBI Deputy director Esmeralda, inambus

Nasa ligtas ng kondisyon ngayon si NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda matapos inambus ng riding-in-tandem group dakong alas-7:30 ng gabi sa Paco, Manila.

Ayon kay DoJ Sec. Leila de Lima, personal itong tinawagan ni Esmeralda para ipaalam ang nangyari sa kaniya.

Maliban kay Esmeralda, sugatan din ang driver nito at kapatid na kasama sa kanilang sasakyan.

Sa ngayon nagpapagaling na sa Manila Doctor's Hospital ang nasabing opisyal.

Una ng kinumpirma ni de Lima na may mga banta na sa kanilang buhay kaya't nagdagdag na rin sila ng kanilang security escorts.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad at inaalam ang motibo sa pananambang.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter