Latest News
- (Update) Corona, naghamon sa prosec: Lumagda rin kayo ng waiver
- (Update) Corona, lumagda ng waiver
- (Update) May basehan sa batas ang 'di pagdeklara ng dollar accounts - CJ
- (Update) Pagluha ni Corona, hindi scripted - defense
- (Update) CJ pinayagang gumamit na rin ng Powerpoint presentation
- (Update) JPE, binalaan si CJ sa isyu ng tagong yaman
- Palasyo, agad sinagot ang patama ni Corona vs P-Noy
- P24-M halaga ng marijuana, sinunog ng mga pulis sa Kalinga
- (Update) 'Di ako gumamit ng impluwensiya sa BGEI case - CJ
- (Update) Testimonya ni Corona, ipinagpatuloy
Most Read Article
- Sex scandal ng 2 estudyante sa Iloilo, pinagpipyestahan
- Sex video scandal ng medrep at nurse sa ospital, pinagpipiyestahan sa Albay
- Oprah post pabor kay Shamcey Supsup, kumalat sa social media sites
- Mahigit 20 bagyo, inaasahan sa Pilipinas ngayong 2011 - Pagasa
- Pamilya ni RJ at Ramona Bautista, magsasampa ng kaso vs pulis
House witness, ibinasura ng impeachment court
Presiding-Judge Juan Ponce EnrileHindi tinanggap ng impeachment court ang pagtestigo ng isang opisyal ng Philippine Airlines (PAL) kaugnay sa Article 3 ng articles of impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona.
Sa bungad pa lamang, kinuwestyon na ni Presiding-Judge Juan Ponce Enrile ang tangka ng House prosecution panel na isalang sa witness stand si Philippine Airline (PAL) vice president for sales Enrique Javier.
Umani rin ng sermon mula kay Enrile si private prosecutor Marlon Manuel dahil sa pagpipilit nitong ipresenta si Javier.
Batay sa alegasyon ng prosecution, tumanggap umano ng mga travel benefits ang mag-asawang Corona mula sa airline company habang nakabinbin sa Supreme Court ang kaso ng Flight Attendant's and Stewards' Association of the Philippines (FASAP) laban sa kompaniya.
Pero giit ni Enrile, wala umanong kaugnayan ang sasabihin ng testigo sa mga nakalatag na alegasyon sa Article 3.
"You are expanding the coverage of Article 3. This Court will not allow this. We have to have some discipline here," giit ni Enrile.
Hinamon pa ni Enrile ang private prosecutor na magreklamo na lamang sa korte kung hindi nito tanggap ang kaniyang ruling.
Saklaw ng Article 3 ang pagkuwestyon sa sinasabing “flip-flopping” decisions ng kataastaasang hukuman sa mga kasong nakabinbin dito at ang umano'y pagiging bias ni Corona pabor sa mga kaso laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
"I've warned you several times. There is a limit to the patience of this court," giit ni Enrile.
Una rito, hini na rin pinayagan ng impeachment court na maisalang pa sa pagtatanong ng prosecution ang isang opisyal ng Bank of Philippine Island (BPI)-Ayala branch.
Kinuwestyon kasi ni lead defense counsel Atty. Serafin Cuevas ang pagpapatawag kay BPI-Ayala Ave assistant branch manager Mara Arcilla, gayong ang nakasaad sa subpoena ay ang branch manager na si Leonora Dizon.
Sa halip, inatasan na lamang ni Enrile ang testigo na isumite sa impeachment court ang mga dala nitong dokumento.
- 'PSBank, 'di nag-leak sa bank records'
- Hirit vs oil VAT, ibinasura ng Palasyo
- 'Impeach rap vs Del Castillo, may probable cause'
- 'High profile inmates' ilipat na, ASAP'
- LRTA chief, nagbitiw na sa puwesto
- Grace Ibuna, mag-uuwi sa labi ni Iggy - UK court
- BSP, umalma sa pagkadawit sa Corona case
- Walang inoobliga sa 26th EDSA anniv - Palasyo
- 'Respetuhin ang proseso ng impeachment trial'
- 42 pagkakaiba ng account ni Corona, minaliit
- Umali at Banal 'guilty' sa bank law violation?
- P200-M 'Pantawid Pasada,' ipamahagi na - Noy
- Enrile: Pasensya ko sinusubukan sa hearings
- Ebidensya sa bank records, ibasura - defense
- BuCor chief, kinasuhan ng graft sa DoJ
- 'Suspek sa Pinay murder, huli ng French police'
- NBI, 'hands off' sa Noel Orate slay case
- Ilang domestic flights, nakansela dahil sa ulan
- Inmates tinangkang i-rescue; 3 patay, 16 sugatan
- 'Linsanity,' uminit uli sa panalo ng Knicks vs Mavs


