'PSBank, 'di nag-leak sa bank records'

Kumbinsido si Senate President Juan Ponce Enrile na hindi nanggaling sa PSBank ang nag-leak na dokumentong may kinalaman sa bank records ni Chief Justice Renato Corona na napasakamay ng prosekusyon.

Pero tumanggi muna si Enrile na kumpirmahin na galing sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) o sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kwestyonableng dokumento o “Annex A” sa records ng impeachment court.

Pero ayon sa pangulo ng Senado na siyang presiding officer sa impeachment proceedings, magkakaproblema ang panig ng prosekusyon sa pag-offer ng kanilang ebidensya sa oras na mapatunayan na galing sa BSP o AMLC ang kontrobersiyal na dokumentong pinagbatayan ng mga sinubpoenang ebidensya.

Kaugnay naman ng posibleng paglabag sa banking laws, hindi na raw ito hurisdiksyon  ng impeachment court sa halip ay sa ibang regular court sakaling maghain ng asunto ang biktima.

Ngayong araw ay inaasahan na isusumite ng PSBank ang pangalan ng mga miyembro ng BSP at AMLC na silang nag-audit sa bank records ni Corona.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter