Latest News
- (Update) Corona, naghamon sa prosec: Lumagda rin kayo ng waiver
- (Update) Corona, lumagda ng waiver
- (Update) May basehan sa batas ang 'di pagdeklara ng dollar accounts - CJ
- (Update) Pagluha ni Corona, hindi scripted - defense
- (Update) CJ pinayagang gumamit na rin ng Powerpoint presentation
- (Update) JPE, binalaan si CJ sa isyu ng tagong yaman
- Palasyo, agad sinagot ang patama ni Corona vs P-Noy
- P24-M halaga ng marijuana, sinunog ng mga pulis sa Kalinga
- (Update) 'Di ako gumamit ng impluwensiya sa BGEI case - CJ
- (Update) Testimonya ni Corona, ipinagpatuloy
Most Read Article
- Sex scandal ng 2 estudyante sa Iloilo, pinagpipyestahan
- Sex video scandal ng medrep at nurse sa ospital, pinagpipiyestahan sa Albay
- Oprah post pabor kay Shamcey Supsup, kumalat sa social media sites
- Mahigit 20 bagyo, inaasahan sa Pilipinas ngayong 2011 - Pagasa
- Pamilya ni RJ at Ramona Bautista, magsasampa ng kaso vs pulis
BSP, umalma sa pagkadawit sa Corona case
Bangko Sentral ng PilipinasUmalma ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pahayag na posibleng sangkot ito sa pagpapasapubliko ng mga bank records ni Chief Justice Renato Corona mula sa Philippine Savings Bank (PSBank).
Sa isang pahayag, iginiit ng BSP na taliwas sa testimoniya kahapon sa impeachment trial ni PSBank president Pascual Garcia III, hindi umano nagkaroon ng pagkakataon ang kanilang mga examiners na masilip ang mga deposit account records ng punong mahistrado.
"BSP examiners therefore could NOT have copied nor secured copies of such deposit account records including the signature cards of Chief Justice Renato Corona,” ayon sa statement ng local banking system's regulatory authority.
Kinilala rin ng BSP ang examiner na si Jerry Leal na umano'y miyembro ng kanilang Anti-Money Laundering Specialist Group.
Pero iginiit ng banko sentral na limitado lamang ang access ng kanilang tauhan sa tinatawag na "politically exposed person" o PEP ng nabanggit na bangko.
“PSBank was therefore directed to improve its tagging of PEPs to strengthen its compliance with the Anti-Money Laundering Act (AMLA),” dagdag sa pahayag ng BSP.
Sa ika-20 araw na impeachment proceedings, lumutang ang posibilidad na maaaring mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Anti-Money Laudering Council (AMLC) ang pinagmulan ng kopya ng bank records ni Corona dahil inamin ni PSBank President Pascual Garcia na nagsagawa ng audit ang dalawang sangay ng pamahalaan sa kanilang bangko noong Setyembre 2010.
Ayon kay Garcia, kabilang ang bank records ni Corona sa mga target ng audit ng BSP at AMLC lalo't itinuring na politically exposed person (PEP) ang punong mahistrado.
Dahil dito pinasusumite ng impeachment court sa bangko kung sinu-sino ang mga kinatawan ng BSP at AMLC na nag-audit sa bank records ni Corona.
Naniniwala naman si Sen. Jinggoy Estrada na maaaring hindi ang PSBank ang nag-leak ng mga impormasyon kaugnay ng bangko ni Corona kundi nakuha ito sa labas.
Nagpahayag naman ng pangamba si Sen. Joker Arroyo kaugnay ng pagbusisi ng AMLC sa mga bank records ng mga politically expose persons katulad ng nangyari sa kaso ni Corona.
Ani Arroyo, maaring mabiktima nito ang tulad nilang politiko na nambabatikos sa Palasyo ng Malacañang na bubusisiin din ang laman ng bangko at hahanapan ng butas para masampahan ng kaso.
- Walang inoobliga sa 26th EDSA anniv - Palasyo
- 'Respetuhin ang proseso ng impeachment trial'
- 42 pagkakaiba ng account ni Corona, minaliit
- Umali at Banal 'guilty' sa bank law violation?
- P200-M 'Pantawid Pasada,' ipamahagi na - Noy
- Enrile: Pasensya ko sinusubukan sa hearings
- Ebidensya sa bank records, ibasura - defense
- BuCor chief, kinasuhan ng graft sa DoJ
- 'Suspek sa Pinay murder, huli ng French police'
- NBI, 'hands off' sa Noel Orate slay case
- Ilang domestic flights, nakansela dahil sa ulan
- Inmates tinangkang i-rescue; 3 patay, 16 sugatan
- 'Linsanity,' uminit uli sa panalo ng Knicks vs Mavs
- INC rally; sub judice rule, ipinagkibit ni P-Noy
- Canonization ni Calungsod, itinakda sa Oct. 21
- 2011 Bar exam results, ilalabas na- SC
- Edsa anniv, gagamiting anti-Corona rally?
- 'Batikos vs Corona, bahagi ng demokrasya'
- 'Gov't moves sa autonomy issue, OK sa MILF'
- Vitali Klitschko, napanatili ang WBC crown


