Latest News
- (Update) Corona, naghamon sa prosec: Lumagda rin kayo ng waiver
- (Update) Corona, lumagda ng waiver
- (Update) May basehan sa batas ang 'di pagdeklara ng dollar accounts - CJ
- (Update) Pagluha ni Corona, hindi scripted - defense
- (Update) CJ pinayagang gumamit na rin ng Powerpoint presentation
- (Update) JPE, binalaan si CJ sa isyu ng tagong yaman
- Palasyo, agad sinagot ang patama ni Corona vs P-Noy
- P24-M halaga ng marijuana, sinunog ng mga pulis sa Kalinga
- (Update) 'Di ako gumamit ng impluwensiya sa BGEI case - CJ
- (Update) Testimonya ni Corona, ipinagpatuloy
Most Read Article
- Sex scandal ng 2 estudyante sa Iloilo, pinagpipyestahan
- Sex video scandal ng medrep at nurse sa ospital, pinagpipiyestahan sa Albay
- Oprah post pabor kay Shamcey Supsup, kumalat sa social media sites
- Mahigit 20 bagyo, inaasahan sa Pilipinas ngayong 2011 - Pagasa
- Pamilya ni RJ at Ramona Bautista, magsasampa ng kaso vs pulis
Walang inoobliga sa 26th EDSA anniv - Palasyo
Tahasang itinanggi ngayon ng Malacañang na inoobliga nila ang mga kawani ng pamahalaan na dumalo sa February 25 activities kaugnay sa paggunita ng ika-26 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Sinasabing layon umano ng kautusan na ipunin ang mga empleyado ng gobyerno para mag-rally laban kay Chief Justice Renato Corona.
Pero iginiit ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala itong katotohanan dahil ang Memorandum Circular 27 ni Executive Sec. Jojo Ochoa ay humihikayat lamang sa mga government employees na makiisa sa pagdiriwang.
Ayon kay Valte, walang sapilitan at hindi obligado ang sinuman para dumalo sa mga programang inihanda ng administrasyon.
“That’s incorrect, no EO was issued. ES Ochoa issued Memorandum Circular 27 last February 15, 2012 enjoining government officials and agencies to participate in the observance of the 26th anniversary of the EDSA People Power Revolution,” ani Valte.
“We further encourage all government departments, agencies, GOCCS and LGUs to conduct their own respective events related to the 26th Anniversary of the 1986 EDSA People Power Revolution through lectures, film showing, community services, etc. and help make this year’s observance a success,” bahagi ng pahayag ni Ochoa na siya ring Chairman ng EDSA People Power Commission.
Samantala, ngayong February 21, ginugunita ang pagsisimula ng pag-aaklas kung saan gabi ng naturang petsa noong 1986 nang maisapinal ang pagkalas nina dating Defense Minister Juan Ponce-Enrile at General Fidel Ramos.
Kinabukasan, eksaktong 6:45 ng umaga, Biyernes noon, nagpahayag sina Enrile at Ramos ng kanilang pagtutol sa naganap na halalan at tumiwalag sa kanilang tungkulin.
Ang dalawang opisyal ay nagbarikada sa dalawang kampo militar sa kahabaan ng EDSA.
Si Ramos ay nasa Kampo Crame, na punong himpilan ng Philippine Constabulary-Integrated National Police at si Enrile naman ay sa Kampo Aguinado na punong himpilan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Kasama nina Ramos at Enrile ang ilang daang sundalo na ang pinakakilala ay si Lt. Col. Gregorio “Gringo” Honasan,” na handang harapin ang paglusob ng mga sundalong tapat kay Marcos at nasa pamumuno ni Hen. Fabian Ver, na hepe de estado mayor noon.
- 'Respetuhin ang proseso ng impeachment trial'
- 42 pagkakaiba ng account ni Corona, minaliit
- Umali at Banal 'guilty' sa bank law violation?
- P200-M 'Pantawid Pasada,' ipamahagi na - Noy
- Enrile: Pasensya ko sinusubukan sa hearings
- Ebidensya sa bank records, ibasura - defense
- BuCor chief, kinasuhan ng graft sa DoJ
- 'Suspek sa Pinay murder, huli ng French police'
- NBI, 'hands off' sa Noel Orate slay case
- Ilang domestic flights, nakansela dahil sa ulan
- Inmates tinangkang i-rescue; 3 patay, 16 sugatan
- 'Linsanity,' uminit uli sa panalo ng Knicks vs Mavs
- INC rally; sub judice rule, ipinagkibit ni P-Noy
- Canonization ni Calungsod, itinakda sa Oct. 21
- 2011 Bar exam results, ilalabas na- SC
- Edsa anniv, gagamiting anti-Corona rally?
- 'Batikos vs Corona, bahagi ng demokrasya'
- 'Gov't moves sa autonomy issue, OK sa MILF'
- Vitali Klitschko, napanatili ang WBC crown
- 'Hustisya para kay Orate, hiling ng pamilya'


