BuCor chief, kinasuhan ng graft sa DoJ

Bureau of CorrectionsBureau of CorrectionsTiniyak ni Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Gaudencio Pangilinan na nakahanda siyang harapin ang mga alegasyon laban sa kaniya sa tamang forum.

Sa harap ng kasong isinampa laban sa kaniya sa Department of Justice (DoJ), iginiit ng opisyal na mismong ang mga empleyado ng BuCor at mga inmates ang makapagpapatunay sa mga repormang ipinatupad nito sa kagawaran.

Una rito, ibinunyag ng isang Kabungsuan Makilala, ang dating assistant head ng bids and awards committee ng BuCor ang mga kaso ng VIP treatment, prostitution at corruption na umano'y lalong lumala sa ilalim ng pangangasiwa ni Pangilinan.

Ngayong umaga, pormal na kinasuhan ang opisyal ng paglabag sa Republic Act No. 9184 o ang Government Procurement Act.

Batay sa alegasyon, inaprubahan umano ni Pangilinan ang isang P16 million catering service contract kahit walang kaukulang pag-apruba mula kay Justice Sec Leila de Lima.

Kinuwestyon din ang desisyon ng opisyal na pumasok sa isang P1.4 million renovation contract kahit walang isinagawang public bidding.

Pero iginiit ni Pangilinan na may mga auditor umano ang BuCor na magpapatunay na walang anomalya sa nabanggit na mga proyekto at dumaan ang lahat ng mga ito sa tamang proseso.

Ang retired military general na si Pangilinan ay nahaharap din sa hiwalay na plunder case kaugnay sa sinasabing anomalya sa Armed Forces of the Philippines.

Pinalitan nito sa BuCor post si dating Dir. Ernesto Diokno na napilitang mag-resign matapos masangkot din sa anomalya sa nabanggit na kagawaran.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter