'Suspek sa Pinay murder, huli ng French police'

Paris, FranceParis, FranceNaaresto na ang suspek na pumaslang sa isang negosyanteng Pinay sa bansang France.

Kinumpirma mismo sa Bombo Radyo ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez na batay sa ulat ni Philippine Ambassador to France Cristina Ortega, hawak na ng mga otoridad ang salarin sa pagpatay sa biktimang si Ellen Ortega-Apilado, may-ari ng isang travel agency sa Paris.

Ang suspek na nasa 40 taong gulang ay posible umanong kilala rin ng biktima.

"The French police has already arrested a suspect. The suspect is a male, in his 40's, white in skin color and possibly known to the family," ayon sa mensahe ni Asec. Hernandez.

Maalala na noong Pebrero 17, natagpuang patay si Apilado sa loob ng kaniyang opisina at may tama ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Kabilang sa mga motibong nakikita ng mga imbestigador sa kremin ay pagnanakaw.

Nilinaw naman ng opisyal na isa ng naturalized French national ang biktima.

Sa ngayon umano ay hinihintay pa ng embahada ng Pilipinas ang preliminary findings ng French police sa kanilang ginagawang imbestigasyon.

"The Embassy is committeed to ensuring the safety of Filipino community in France and the early resolution of the case."


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter