Latest News
- (Update) Corona, lumagda ng waiver
- (Update) May basehan sa batas ang 'di pagdeklara ng dollar accounts - CJ
- (Update) Pagluha ni Corona, hindi scripted - defense
- (Update) CJ pinayagang gumamit na rin ng Powerpoint presentation
- (Update) JPE, binalaan si CJ sa isyu ng tagong yaman
- Palasyo, agad sinagot ang patama ni Corona vs P-Noy
- P24-M halaga ng marijuana, sinunog ng mga pulis sa Kalinga
- (Update) 'Di ako gumamit ng impluwensiya sa BGEI case - CJ
- (Update) Testimonya ni Corona, ipinagpatuloy
- Bangkay ng mag-inang nahulog mula sa barko, natagpuan sa Mindoro
Most Read Article
- Sex scandal ng 2 estudyante sa Iloilo, pinagpipyestahan
- Sex video scandal ng medrep at nurse sa ospital, pinagpipiyestahan sa Albay
- Oprah post pabor kay Shamcey Supsup, kumalat sa social media sites
- Mahigit 20 bagyo, inaasahan sa Pilipinas ngayong 2011 - Pagasa
- Pamilya ni RJ at Ramona Bautista, magsasampa ng kaso vs pulis
'Linsanity,' uminit uli sa panalo ng Knicks vs Mavs
JEREMY LINNEW YORK - Muling uminit ang tinaguriang Linsanity fever sa NBA lalong lalo na sa New York Knicks matapos na talunin ng Knicks ang defending NBA champion Dallas Mavericks kanina.
Nasilat ng Knicks ang Mavericks sa iskor na 104-97 sa harap ng sold-out tickets sa Madison Square Garden (MSG).
Nagtala ng career-high na 14 assists at 28 points si Jeremy Lin para bumawi sa kanilang pagkatalo noong Sabado sa New Orleans Hornets.
Umulan din ng three points sa loob ng MSG kung saan apat dito ay maipasok ni Steve Novak.
Tumulong din sa panalo ng Knicks ang bagong miyembro nito na si J.R. Smith sa kaniyang 15 points performance.
Ayon kay New York head coach Mike D'Antoni, hindi pa nila pinaglalaro ang kanilang star player na si Carmelo Anthony dahil kailangan pa nilang pagpahingahin hangga't hindi pa magaling ang kaniyang injury.
Kabilang sa mga bigating celebrity na nakibahagi ng Linsanity fever ay sina actor Kevin Costner, dating asawa ni San Antonio Spurs guard Tony Parker na si Eva Longoria, longtime Knicks fan na si Spike Lee at ang Harvard University dropout pero bilyonaryong Facebook head na si Mark Zuckerberg.
Sa panig ng Dallas, nakapagtala ng season-high 34 points si German basketball star Dirk Nowitzki.
Kung maaalala nitong nakalipas na Sabado, sinisi pa ni Lin ang kanyang sarili sa kanilang pagkatalo sa kamay ng New Orlean Hornets kahit nagtala siya ng 26 points, limang assists pero meron siyang siyam na turnovers.
Dahil sa pagwagi ng Knicks, tinuldukan nito ang six-game winning streak ng Mavs.
Samantala, nagbalik tanaw naman ang ibang fans sa pagharap ng dalawang koponan.
Bago pa kasi uminit ang Jeremy Lin fever, unang nagsimula ng kanyang NBA career ang Asian-American player sa Dallas summer league noong taong 2010.
Pero ayon sa may-ari na si Mark Cuban, mas ginusto ni Lin na maglaro malapit sa kanyang lugar kaya pumirma ito sa Warriors, pero tinanggal siya at sumunod ang Houston.
Nito lamang buwan ng Disyembre nang tuluyang kunin siya ng Knicks.
“It wasn’t luck because there were how many other teams that could have signed Jeremy and the Knicks were the ones who went out and got him,” ani Cuban. “So they saw something and they were smart enough to go out and get him.” (AP)
- INC rally; sub judice rule, ipinagkibit ni P-Noy
- Canonization ni Calungsod, itinakda sa Oct. 21
- 2011 Bar exam results, ilalabas na- SC
- Edsa anniv, gagamiting anti-Corona rally?
- 'Batikos vs Corona, bahagi ng demokrasya'
- 'Gov't moves sa autonomy issue, OK sa MILF'
- Vitali Klitschko, napanatili ang WBC crown
- 'Hustisya para kay Orate, hiling ng pamilya'
- Mister ni Whitney, walkout sa memorial service
- 'Merito ng impeachment, OK lang talakayin'
- Luisita case, 'di pa pinal - Malacañang
- Pope, nagtalaga ng 22 bagong cardinals
- AFP modernization, may ilang humaharang?
- Nais simplehan ni P-Noy ang trial - Palasyo
- 'Pagbawas sa articles 'di rin pabor sa depensa'
- Winning streak ni Lin, tinuldukan ng Hornets
- 'P-Noy walang ilalabas na psychological records'
- Palasyo: Walang ikabahala sa 'grand rally' ng INC
- Bagyo nabuo sa kanluran ng Pilipinas - JTWC
- 'Dagdag pabuya vs Palparan, ikokonsidera'


