INC rally; sub judice rule, ipinagkibit ni P-Noy

Corona supportersCorona supportersTiwalang inihayag ng Pangulong Noynoy Aquino na walang dapat ikanerbyos sa umano’y ‘grand rally’ ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Pebrero 28 bilang suporta kay Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ng Pangulo na wala naman siyang ginawang masama para mabahala sa nasabing pagtitipon ng maimpluwensyang INC.

Ayon sa Pangulo, sinasamantala lamang ang nasabing religious activity na maaring bahagi ng ‘media and spin war.’

Una umano rito ang rally sa harapan ng Korte Suprema na sinasabing pakana ng INC, bagay na itinanggi naman ng kanilang liderato.

"Why should I be nervous? I have not done anything wrong," ani Pangujlong Aquino. "The (Feb. 28 gathering) is a regular religious activity that is being given political color... Many people are really opportunists. This (pro-Corona scenario) is probably a media war and a spin war," dagdag ng Pangulo.

Sa nasabing pagtitipon, napag-alaman sa ilang sources sa INC na hihilingin nila sa Pangulo na igalang ang proseso ng batas.

Samantala, hindi umano titigil ang Pangulo sa pagbibigay ng pahayag hinggil sa merito ng kaso laban kay Chief Justice Corona.

Iginiit ng Pangulo na ang diskurso hinggil sa paglilitis kay Corona ay bahagi ng malusog ng demokrasya at hindi dapat ipagkait sa taongbayan ang mahahalagang impormasyon.

Ang kanya umanong kritisismo ay hindi personal laban kay Corona kundi patungkol sa bulok na sistemang kinakatawan ng punong mahistrado.

"Democracy is the majority deciding for everybody," ani Pangulong Aquino.

 


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter