Canonization ni Calungsod, itinakda sa Oct. 21

Itinakda na ng Vatican ang canonization para tuluyan nang maging ganap na santo si Blessed Pedro Calungsod ng simbahang Katoliko.

Ayon kay Cardinal Angelo Amato, prefect of the Congregation for the Causes of Saints, gagawin sa October 21 ang canonization ni Calungsod kasama sina Blessed Giovanni Battista Piamarta ng Italy, Blessed Jacques Berthieu ng France, Blessed Maria del Carmen ng Spain, Blessed Maria Anna Cope ng Germany, American laywoman Blessed Kateri Tekakwitha at Blessed Anna Schaffer ng Germany.

Gagawin ang canonization matapos ang misa na pangungunahan ni Pope Benedict XVI.

Inilarawan ng Vatican si Blessed Calungsod bilang "Filipino lay catechist at martyr."

Una rito, nilagdaan ni Pope Benedict ang decree na nag-aapruba sa mga milagro na nagawa ng pito para tuluyang maging santo.

Si St. Pedro Calungsod ay isinilang sa lungsod ng Ginatilan, Cebu ngunit sa Iloilo City na lumaki.

Sa edad na 17-anyos ay naging misyonaryo na ito sa iba't-ibang lalawigan ng bansa.

Nakarating ito sa Marianas Island sa bansang Guam kung saan siya nagsagawa ng binyag kasama si Fr. Diego Luis de San Vitores at inakusahan na ang tubig na ginamit ay nakamamatay.

Dahil sa pangyayari ay pinatay ng mga naninirahan sa Tumon Guam si St. Calungsod at si Fr. Vitores.

Una nang ginawang blessed si Calungsod noong Marso 2005 na pinangunahan mismo ni St. John Paul II at nitong Dec. 19 ay naproklamang santo si St. Pedro Calungsod na ngayon ay kilala sa kanyang dalang krus sa kananng kamay at dahon ng palma naman sa kaliwang kamay.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter