2011 Bar exam results, ilalabas na- SC

SC BuildingSC BuildingInaasahang ilalabas na umano ngayong linggo ang resulta ng 2011 Bar examinations.

Ayon kay Associate Justice Roberto Abad, chairman ng 2011 Bar Examinations Committee, bagama't hindi pa nito alam ang eksaktong araw kung kailan ilalabas ang resulta pero nakaugalian na umanong ihahayag sa full court session.

Sinabi pa ni Justice Abad, nakatakdang magreport sa Supreme Court (SC) en banc sa Martes ang Office of the Bar Confidant para ipaalam na tapos ang checking sa mga test papers at hihingi ng pahintulot para i-decode na ang mga ito.

Kung maalala, inilipat ng Supreme Court (SC) ang buwan at lugar na pagdarausan ng Bar Examination.

Mula Setyembre, ginawa na ito sa buwan ng Nobyembre at mula sa De La Salle University sa Taft Avenue sa Maynila, idinaos na ito sa University of Sto. Tomas sa Espanya, Maynila.

Ayon kay Supreme Court Spokesman at Court Administrator Atty. Midas Marquez, dahil sa mga nararanasang pag-ulan sa buwan ng Setyembre kaya nila inilipat sa Nobyembre ang pagsusulit.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter