'Batikos vs Corona, bahagi ng demokrasya'

Pres. Benigno Aquino IIIPres. Benigno Aquino IIITila ayaw paawat ng Pangulong Benigno Aquino III sa kaniyang mga batikos laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa kaniyang pahayag mula sa lalawigan ng Aurora, muling iginiit ng Pangulo na walang personalan sa kaniyang mga patutsada laban sa punong mahistrado at bahagi umano nang umiiral na demokrasya sa bansa ang pagpapahayag ng kritisismo.

Una ng nanawagan ang Senado sa pinuno ng ehekutibo at hudikatura na tigilan na ang kanilang "word war".

Para kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, maliban sa hindi umano tama ang nangyayaring palitan ng batikos ng dalawang lider, hindi na rin umano maganda sa mata ng publiko ang nangyayari.

"Not only improper but also unbecoming of their stature," giit ni Sotto.

Kaugnay nito, tumanggi ring patulan ng punong ehekutibo ang hamon ni Corona na isiwalat nito sa publiko ang kaniyang psychological records.

Kahapon, binigyang-diin ng Malacañang na walang basehan ang hamon ni Corona dahil wala umanong dapat ilabas na anumang mental record ang Pangulo dahil peke ang pinagbabasehang dokumento.

Ayon pa kay deputy presidential spokesman Abegail Valte, hindi bumenta ang nasabing alegasyon noong 2010 elections at tiyak na hindi rin paniniwalaan ngayon.

Inihayag ni Valte na insulto ang hamon ni Corona maging sa mga nakakakilala sa Pangulong Aquino.

“There are none, puro fake ho ang basehan nila,” ani Valte.

Ngayong araw ang pangulong Aquino ay nasa Aurora province para pasinayaan ang bagong tayong P509-million hospital na pinondohan ng Japanese government.

Kasamang sumalubong sa Pangulo ay sina Aurora Gov. Bellaflor Angara-Castillo, Sen. Edgardo Angara at anak nitong si Aurora Rep. Juan Edgardo Angara, na siyang tumatayong isa sa mga spokesmen ng House prosecution panel sa nagpapatuloy na impeachment trial laban kay Corona.

“A democracy is the majority deciding for everybody and you cannot decide properly if there is no discourse within the contending sides in any issue. So to keep quiet about the whole thing is, I think, wrong. Time to time, I reserve my right to be able to say what I believe should be said to the people,” ayon sa mensahe ng Pangulong Aquino.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter