'Gov't moves sa autonomy issue, OK sa MILF'

ARMM mapARMM mapItinuturing umanong "welcome development" para sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang ulat na pag-apruba ng mismong Pangulong Benigno Aquino III sa panawagang pagbuo ng isang Muslim autonomy state sa Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay MILF spokesman Von Al-Haq, inamin ng opisyal na lingid sa kanilang kaalaman ang naging pahayag ni MILF peace negotiator Mohagher Iqbal sa isang pahayagang "The Oman Tribune" na umano'y sumang-ayon na ang Pangulong Benigno Aquino III sa kanilang proposal.

Sa nabanggit na ulat, sinabi umano ni Iqbal na aprubado na sa Pangulong Aquino ang MILF proposal na "parliamentary form of government" kung saan bibigyan ng pagkakataon ang taongbayan na pumili ng kanilang mga lider para sa bubuuing autonomous region.

“No less than His Excellency President Benigno Aquino 3rd agreed to the MILF proposal,” ayon kay Iqbal sa nasabing media report.

Perp para kay Al-Haq, anuman ang magandang development kaugnay sa ginagawang pag-uusap ng MILF at gobyerno ng Pilipinas ay welcome umano para sa kanila.

"Hindi ko masabi na totoo o hindi (media report), pero any development na maganda, welcome naman sa atin sa MILF," ayon sa tagapagsalita ng grupo.

Noong Pebrero 15, nagtapos ang tatlong araw na initial talks ng MILF at government peace panel sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“The peace process with the MILF has moved forward. Now, we have moved at least a few feet. The day will come, I hope very, very soon that we will be able to sign a peace agreement,” ayon sa ipinalabas na statement ni chief government peace negotiator Marvic Leonen.

Sa susunod na buwan, muling ipagpapatuloy ng dalawang partido ang pag-uusap.

Sinusubukan pa ng Bombo Radyo na kontakin si Iqbal para hingan ng direktang pahayag hinggil sa The Oman report.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter