Suspek sa mayor slay try, arestado

Patuloy pa ring inoobserbahan sa ospital ang alkalde ng Nueva Ecija at aide nito matapos tambangan ng riding-in-tandem suspek.

Kaugnay nito, iniulat ni Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Superintendent Agrimero Cruz Jr., na naaresto ng mga otoridad ang isa sa mga suspek sa pananambang kay Caranglan Mayor Restituto Abad at kaniyang tauhan.

Kinilala ng opisyal ang suspek na si Jose Berlino, na sinasabing nagsilbing lookout sa mga kasamahan.

Kahapon, pinagbabaril ang mga biktima ng motorbike-riding suspek sa Brgy. Saranay sa bayan ng Guimba.

Si Mayor Abad ay nagtamo ng tama ng bala sa kili-kili at balikat habang ang aide-driver nito ay may tama sa ulo at leeg.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter