'No winner' pa rin sa P197-M ng Grand Lotto

lottolottoHalos P200 milyon na ang pot money ng 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito'y makaraang wala na namang nanalo sa pinakahuling draw ng naturang lottery game sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.

Lumabas kasi ang number combination na 48-04-07-16-09-01 na may katumbas sanang premyo na P197,403,868.80.

Nabatid na ito na ang pinakamalaking jackpot prize para sa taong 2012.

Ang pot money ng 6/55 Grand Lotto ay naipon sa nakalipas na tatlong buwan dahil walang nakakakuha ng winning number combination.

Isinasagawa ang regular draw tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter