Latest News
- (Update) May basehan sa batas ang 'di pagdeklara ng dollar accounts - CJ
- (Update) Pagluha ni Corona, hindi scripted - defense
- (Update) CJ pinayagang gumamit na rin ng Powerpoint presentation
- (Update) JPE, binalaan si CJ sa isyu ng tagong yaman
- Palasyo, agad sinagot ang patama ni Corona vs P-Noy
- P24-M halaga ng marijuana, sinunog ng mga pulis sa Kalinga
- (Update) 'Di ako gumamit ng impluwensiya sa BGEI case - CJ
- (Update) Testimonya ni Corona, ipinagpatuloy
- Bangkay ng mag-inang nahulog mula sa barko, natagpuan sa Mindoro
- '2nd night ng concert ni Lady Gaga mamaya, babantayan pa rin'
Most Read Article
- Sex scandal ng 2 estudyante sa Iloilo, pinagpipyestahan
- Sex video scandal ng medrep at nurse sa ospital, pinagpipiyestahan sa Albay
- Oprah post pabor kay Shamcey Supsup, kumalat sa social media sites
- Mahigit 20 bagyo, inaasahan sa Pilipinas ngayong 2011 - Pagasa
- Pamilya ni RJ at Ramona Bautista, magsasampa ng kaso vs pulis
Kamara, pinuna ang spokesmen sa Corona trial
Spokespersons of the prosecution team in the Corona impeachment trialKinumpirma ni House lead prosecutor at Iloilo Rep. Niel Tupas na kinausap nito ang kanilang mga tagapagsalita upang magdahan-dahan sa pagsasapubliko ng mga impormasyon kaugnay ng impeachment case ni Chief Justice Renato Corona.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Tupas na pinulong nito ang mga tagapagsalitang sina Rep. Miro Quimbo, Rep. Sonny Angara maging si Rep. Erin Tañada at hinimok na galangin ang direktiba ng impeachment court na magdahan-dahan sa pagsisiwalat ng mga impormasyon sa media o sa publiko kaugnay ng merito ng kaso at huwag pangunahan ang paglilitis ng hukuman.
"Sinabihan ko na ito lang ang guidelines, sundin natin to kasi ito yong nirereklamo ng mga senador at may directive si Senate President Juan Ponce Enrile," ayon kay Tupas
Magugunitang nagisa si Tupas nina Sen. Chiz Escudero at Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada sa open session nitong araw ng Huwebes nang hindi nito mapatunayan sa loob ng korte ang unang akusasyon na umabot sa 45 ang ari-arian ni Corona samantalang nasa 24 lamang ang kanilang actual na kinikwestyon sa impeachment court.
Una nang tumayo si Sen. Gringo Honasan sa impeachment proceedings kung saan pinuna nito ang umano'y mas mabilis na paglilitis sa labas kaysa loob ng korte.
Samantala, wala namang pagtutol si Tupas sa mungkahi ni Honasan na siya mismo bilang lead prosecutor ang mag-uulat sa open session ng impeachment court kaugnay ng kalagayan ng kanilang kaso upang hindi na mapangunahan ng mga spokespersons.
Sa mungkahi ni Honasan, ang lead counsel mismo ng depensa at prosekusyon ang mananagot sa korte sakaling may paglabag sa panuntunan ng hukuman ang mga tagapagsalita nito sa patuloy na pagsasapubliko ng mga impormasyon sa impeachment trial.
Sa darating na araw ng Lunes ay magkakaroon din ng caucus ang mga senador kung saan hinihingan ng ulat ang impeachment court spokesperson na si Atty. Tina Cruz kaugnay ng kanyang pakikipagpulong sa tagapagsalita ng prosekusyon at depensa.
Batay sa naging panayam ng Bombo Radyo kay Cruz, handa naman umano siyang magbigay ng ulat sa mga senador.
- 'Cold wave-affected nations' dumami; 175 patay
- Lamig sa Baguio, bumagsak sa 10ºC - Pagasa
- Donaire 121.6 lbs; Vazquez 122 lbs
- FOI Bill, magagamit vs corruption - econ team
- Parusa vs Llamas, malalaman ngayong araw
- Defense at prosec, pagpapaliwanagin ng Senado
- 'Turista 'bumuhos' sa underground river'
- Freeze order vs JI members accounts, pinalawig
- Guro, pinatay sa harap ng mga estudyante
- Acosta suspension, ipatupad - Palasyo
- 5 properties 'lang' ni CJ, patunayan - prosecution
- Pres'l Adviser Acosta, pinasususpinde ng SB
- SALN ni Corona, pwede pang itama - CSC
- P-Noy sa mga kalaban: 'Wag akong subukan
- 'U.S., UK warnings vs Ph, 'wag ikabahala'
- Russia, hands off sa Phl-China territorial row
- 'Detalye ng burol ni Rep. Iggy, isumite sa korte'
- Donaire-Vazquez face off sa final press con
- Emano: Haharap ako sa imbestigasyon
- Food shortage, 163 patay sa Europe cold wave


