Latest News
- (Update) Pagluha ni Corona, hindi scripted - defense
- (Update) CJ pinayagang gumamit na rin ng Powerpoint presentation
- (Update) JPE, binalaan si CJ sa isyu ng tagong yaman
- Palasyo, agad sinagot ang patama ni Corona vs P-Noy
- P24-M halaga ng marijuana, sinunog ng mga pulis sa Kalinga
- (Update) 'Di ako gumamit ng impluwensiya sa BGEI case - CJ
- (Update) Testimonya ni Corona, ipinagpatuloy
- Bangkay ng mag-inang nahulog mula sa barko, natagpuan sa Mindoro
- '2nd night ng concert ni Lady Gaga mamaya, babantayan pa rin'
- (Update) Corona, umiyak sa pambungad na salita
Most Read Article
- Sex scandal ng 2 estudyante sa Iloilo, pinagpipyestahan
- Sex video scandal ng medrep at nurse sa ospital, pinagpipiyestahan sa Albay
- Oprah post pabor kay Shamcey Supsup, kumalat sa social media sites
- Mahigit 20 bagyo, inaasahan sa Pilipinas ngayong 2011 - Pagasa
- Pamilya ni RJ at Ramona Bautista, magsasampa ng kaso vs pulis
Donaire 121.6 lbs; Vazquez 122 lbs
SAN ANTONIO, Texas - All set na ang magaganap na double header championship match bukas na gagawin sa Alamodome, San Antonio, Texas.
Ito ay matapos na walang kahirap-hirap na makapasok sa official weigh-in kanina ang apat na boksingero na bahagi ng co-main event.
Walang naging problema kina three-division world champion Nonito "The Filipino Flash" Donaire Jr (27-1, 18KOs) at dating world champion Wilfredo Vazquez Jr (21-1-1, 18KOs).
Umapak sa weighing scale si Donaire na may bigat na 121.6 na libra, samantalang ang kaniyang kalaban na si Vazquez ay eksaktong 122 pounds.
Paglalabanan nina Vazquez at Donaire ang bakanteng WBO super bantamweight title.
Pasok din sa middleweight division sina WBC champion Julio Cesar Chavez Jr at challenger na si Marco Antonio Rubio.
Tumimbang si Chavez ng 159.5 pounds, habang si Rubio ay naitala sa 159 pounds.
Una rito, sa nangyaring pre-fight press conference kahapon, nagkainitan sina Vazquez at Donaire at muntik nang magsuntukan.
Nagyabang si Vazquez na siya ang tatanghaling bagong kampeon sa Linggo.
Nagpalitan pa ng maaanghang na salita sina Donaire at Vazquez.
Nagsimula ang bangayan sa tradisyunal na face off ng dalawang boksingero nang bigla na lamang tinanggal ng 27-anyos na si Vazquez ang sombrero ni Donaire.
Sa panig ng Filipino Flash, inalis din nito ang suot na skull cap ng Puerto Rican boxer.
Dahil sa nasabing insidente, nagtulakan ang dalawa sa kalagitnaan ng press conference at sa harap ng kani-kanilang mga handler.
Agad namang inawat ng magkabilang kampo ang dalawa upang hindi na lalong lumala ang gulo.
Kung maalala, nitong mga nakalipas na araw ay uminit na ang ulo ni Donaire matapos na tawagin siyang duwag ng asawa ni Vasquez.
Samantala, inanunsyo na ni Top Rank Promoter Bob Arum ang susunod na laban ni Donaire sakaling malagpasan nito si Vazquez.
Ani Arum, malaki ang potentials ng Filipino boxer para sumunod sa mga yapak ni 8-division world champion Manny Pacquiao.
Kapag nagtagumpay ang Pinoy boxer sa 122-pound division, kanila ng pinag-uusapan ang posibleng Donaire versus former WBO junior featherweight beltholder Jorge Arce.
Si Arce ang dating may hawak ng koronang pinag-aagawan nina Donaire at Vazquez bago niya ito binitawan para kunin ang WBO's bantamweight title noong Nobyembre.
Pinag-uusapan din ang posibilidad na hindi malayong magbulsa si Donaire ng pito hanggang walong titulo sa magkakaibang dibisyon.
Kung mananalo si Donaire bukas ay magiging apat na ang kanyang championship belt sa iba't ibang timbang.
Dahil dito hindi maiiwasang maikukumpara siya kina Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., ang itinuturing na dalawang pinakamagaling na boksingero sa buong mundo.
Una rito, may titulo na rin si Donaire sa flyweight, super flyweight at bantamweight division.
Ayon sa kilalang writer na si Kevin Lole, ang edad ngayon ni Donaire na 29-anyos ang siyang gulang noon ni Pacman nang mapabilang na sa Top 10 fighter.
Sa ngayon si Donaire ay pang-lima sa Yahoo! Sports rating.
Kung mananalo pa si Donaire sa Alamodome Texas at maibulsa ang bakanteng WBO super bantamweight belt ay hindi malayong umakyat pa siya sa featherweight division.
Maging ang sikat na trainer na si Freddie Roach ay naniniwalang hindi man nabibigyan ng malaking pagkilala si Donaire tulad ng kanyang alaga na si Pacman at si Mayweather ay tiyak na aangat pa ito.
Bilib kasi Roach sa abilidad ni Donaire na lalo pang gumagaling dahil angkin nitong knockout power.
- FOI Bill, magagamit vs corruption - econ team
- Parusa vs Llamas, malalaman ngayong araw
- Defense at prosec, pagpapaliwanagin ng Senado
- 'Turista 'bumuhos' sa underground river'
- Freeze order vs JI members accounts, pinalawig
- Guro, pinatay sa harap ng mga estudyante
- Acosta suspension, ipatupad - Palasyo
- 5 properties 'lang' ni CJ, patunayan - prosecution
- Pres'l Adviser Acosta, pinasususpinde ng SB
- SALN ni Corona, pwede pang itama - CSC
- P-Noy sa mga kalaban: 'Wag akong subukan
- 'U.S., UK warnings vs Ph, 'wag ikabahala'
- Russia, hands off sa Phl-China territorial row
- 'Detalye ng burol ni Rep. Iggy, isumite sa korte'
- Donaire-Vazquez face off sa final press con
- Emano: Haharap ako sa imbestigasyon
- Food shortage, 163 patay sa Europe cold wave
- Enrile, may mabigat na babala vs pasaway
- 'Sumunod sa bagong new pay system'
- 'May araw na sablay ang performance'


