Defense at prosec, pagpapaliwanagin ng Senado

Dahil sa umano'y mabalis na paglilitis sa labas ng korte o tinatawag na "trial by publicity," balak ngayon ng impeachment court na pagpaliwagin ang depensa at prosekusyon kaugnay ng mga kaganapan sa nakalipas na tatlong linggong pagdinig sa kaso ni Chief Justice Renato Corona.

Batay sa panayam ng Bombo Radyo kay Senator-Judge Gringo Honasan, sinabi nitong isusulong nya sa plenaryo sa pagbabalik ng paglilitis sa araw ng Lunes na mismong ang lead counsel ng depensa at prosekusyon ang maglahad ng kanilang accomplishments  at ano ang balak pang gawin sa susunod na mga araw upang hindi mapangunahan ng kanilang mga tagapagsalita.

Sa pamamagitan nito, mapapanagot umano ng korte ang pinuno ng bawat panig sa oras na may paglabag ang mga tagapagsalita nila.

Nababahala ang senator-judge sa aniya'y mas mabilis pa ang paglilitis sa labas ng impeachment court bunsod ng kaliwa't kanang pagpapa-interview ng mga tagapagsalita ng magkabilang panig at inilalahad pa ang ilang ebidensya.

Bagamat sa ngayon ay wala naman daw balak ang senador na maghain ng mosyon para ipa-contempt ang mga pasaway sa Corona trial.

Pero si Senate President Juan Ponce Enrile ay nagbabala na rin na buong tapang nitong ipatutupad ang patakaran ng korte sakaling may mapatunayan sa mga partidong hindi gumagalang sa hukuman.

Sa Lunes ng umaga ay pagpapaliwanagin ng mga senator-judges sa isasagawang caucus ang impeachment court spokesperson sa katauhan ni Atty. Tina Cruz kaugnay ng ginawang pagpupulong sa depensa at prosekusyon sa usapin ng pagsasapubliko ng mga kaganapan sa paglilitis.

Magugunitang nitong Huwebes sinabon nina Sen. Criz Escudero at Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada si House lead prosecutor Rep. Niel Tupas kaugnay ng akusasyon na umabot sa 45 ang kwestyunableng ari-arian ni Corona samantalang bigo namang patunayan sa loob ng korte.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter