Guro, pinatay sa harap ng mga estudyante

Palanas, MasbatePalanas, MasbateLEGAZPI CITY - Patay ang isang elementary teacher matapos na barilin habang nagtuturo ito sa loob mismo ng kanyang classroom sa Brgy. Antipolo sa bayan ng Palanas, probinsya ng Masbate.

Base sa inisyal na imbestigasyon, basta na lamang pinasok sa loob ng kanyang classroom ang biktima na si Loida Pagatpat y Benigay, 51-anyos, ng dalawang hindi nakilalang mga suspek at saka ito binaril sa harap ng kanyang mga estudyante.

Agad namang nakatakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo patungo sa hindi pa mabatid na direksyon.

Samantala, patuloy pa rin ang hot pursuit operation ng mga otoridad sa mga suspek at inaalam din kung ano ang motibo sa naturang krimen.

 


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter