5 properties 'lang' ni CJ, patunayan - prosecution

Chief Justice CoronaChief Justice CoronaMatapos ang pag-amin ni House lead prosecutor at Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. na hindi na mapapatunayan ng House panel ang alegasyon na 45 properties ni Chief Justice Renato Corona, may paghamon naman ang kampo ng prosekusyon.

Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, isa sa spokesman ng prosekusyon, hindi lang sila ang nag-isyu ng pahayag hinggil sa mga ari-arian ng punong mahistrado.

Maging si Corona umano ay naglabas din ng pahayag tatlong araw bago ang paglilitis na lima lamang ang kaniyang properties mula sa 45 nasa listahan ng Land Registration Authority (LRA).

Sinabi ni Quimbo, kahit isa, dalawa o 20 ay labag pa rin sa batas kung hindi idineklara ang mga ito.

Giit ng prosekusyon, ngayong naglabas na sila ng pag-amin na hindi nila mailalabas ang 45 properties, pagkakataon naman ito para sa panig ni Corona upang patunayan ang limang bilang ng ari-arian.

"Don’t forget in the Declaration of SALN, of all these condominiums only came out in April of 2011. Abril ng 2011 naglabasan 'yan sa kanyang SALN bago 'yan, hindi po niya nilalagay ang mga condominiums na ito. So, sabi po namin, katanggap tanggap sabihin po natin isang taon hindi po na-declare at ideclare mo the following year pero for successive years ewan ko po sa inyo kung ang P9.8 million na condominium ay mababalewala at makakalimutan ‘yong ilagay sa inyong SALN," pahayag ni Quimbo.

Samantala, sinasabing naging panatag umano ang loob ni Corona kaugnay sa kinalabasan ng tatlong linggong impeachment trial laban sa kaniya sa Senado.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Karen Jimeno, isa sa tagapagsalita ng defense panel, tuloy-tuloy daw ang kanilang pagbibigay ng update kay Corona sa resulta ng impeachment trial simula Day 1 hanggang Day 11.

Ani Jimeno, labis na ikinatuwa ni Corona ang nangyaring impeachment proceedings kahapon matapos aminin ni Tupas na 24 ang mga ari-arian ng punong mahistrado batay sa mga dokumento na kanilang nakalap.

Inihayag pa nito, na sa ngayon uni-unti na umanong nakikita ng publiko na walang katotohanan ang mga bentang ng House prosecution panel sa kaniya na pagkamal ng mga ari-arian gamit ang kapangyarihan bilang punong mahistrado.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter