Enrile, may mabigat na babala vs pasaway

Mismong si Senate President Juan Ponce Ernile na ang naglabas ng babala na mahigpit nitong ipatutupad ang patakaran ng impeachment court laban sa partidong hindi gumagalang sa hukuman.

“May I request the parties to please be courteous to one another...from hereon, I warn that this chair will impose the rules of this House," babala ng pangulo ng Senado.

Ang babala ni Enrile ay kasunod ito ng tila pagbawi ng prosekusyon ng mga pinangangalandakan nitong ebidensya sa media na umabot sa 45 ang kwestyunabling ari-arian ni Corona ngunit sa impeachment proceedings ay inamin ni House lead prosecutor Rep. Niel Tupas na nasa 24 lamang.

Paliwanag ni Tupas, hindi sila ang nagsapubliko ng ulat na umabot sa 45 ang ari-arian ng punong mahistrado sa halip ay batay ito sa dokumentong inilabas ng Land Registration Authority (LRA).

Nabatid na pinuna ni Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada ang prosekusyon sa umano'y tila panlilinlang nito sa mga senator-judges kaugnay ng kanilang mga inilalahad na ebidensya sa publiko para idiin si Corona samantalang hirap namang patunayan sa loob ng korte.

Nabatid na natuklasan na sumablay ang akusasyon ng prosekusyon kaugnay ng bilang ng mga ari-arian ni Corona sa pagtatanong ni Sen. Chiz Escudero kay Tupas.

"Mr. President, your honor, that this will serve as a guide that unless evidence is presented before the court and accepted, we cannot evaluate it, it is unfair to the senator-judges to be accused of 45 yan ano ba naman kayo ganyan pa rin ang desisyon nyo, ang pinipresenta pa lang pala ninyo ay 21. Do I take it you will not even reach 45?" ayon kay Escudero.

Para kay Sen. Gringo Honasan, mas mabilis pa ang paglilitis sa labas kaysa loob ng impeachment court bunsod ng patuloy na pagsalita ng magkabilang panig.

Dahil dito pinaliliwanag ni Honasan ang impeachment spokesperson kaugnay ng kautusan ng hukuman na pulungin nito ang depensa at prosekusyon lalo na ang mga taga pagsalita nila na makigpag-ugnayan muna sa korte bago magsalita sa publiko.

Nagpasya si Enrile na pag-usapan ang isyu sa isasagawang caucus sa darating na araw ng Lunes Pebrero 6, 2012.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter