'Sumunod sa bagong new pay system'

Binalaan ngayon ng Malacañang ang mga operators ng pampasaherong bus na may kaakibat na penalty ang hindi pagtupad sa bagong Department of Labor and Employment (DOLE) Order hinggil sa pagpapasahod ng mga drivers at conductors.

Magugunitang batay sa kautusan ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz, simula sa February 15, magkakaroon na ng fixed salary ang mga drivers/conductors at hindi na sa pamamagitan ng komisyon.

Nakapaloob sa department order na maliban sa fixed salary, makakatanggap din ng mga insentibo ang mga nabanggit na transport workers alinsunod sa kanilang performance.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi mangingimi ang gobyerno na parusahan ang mga nagmamay-ari ng pampasaherong bus kung tatanggihan ang bagong patakaran.

Ayon kay Valte, umaasa silang sa pamamagitan nito, maiiwasan na ang mga aksidente dahil sa pagmamadali ng mga bus sa pag-pick up ng mga pasahero.

Naniniwala rin ang Palasyo na pabor ito sa mga drivers/conductors kung saan makikinabang na sila sa mas magandang pasahod.

“We hope that this new policy will address the longstanding concern of bus drivers, conductors, and passengers alike. We believe that this system is fairer to the bus drivers because it guarantees them a better wage. It should also improve traffic discipline, which will redound to the benefit of the commuters and motorists,” ani Valte.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter