Palasyo sa mga congressmen: Magtrabaho kayo

Pinawi mismo ng Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang pangamba  na naisasantabi na ang mahahalagang trabaho ng Kongreso dahil sa pagiging abala ng mga kongresista sa impeachment trial.

Magugunitang inamin ng House leadership na problema nila ngayon ang quorum sa mga sesyon kaya hindi natatalakay ang mga mahahalagang panukalang batas tulad ng RH at FOI Bills.

Sinabi ngayon ni Pangulong Aquino, inaasahan pa rin nitong maipapasa bago matapos ang 15th Congress, ang mga priority bills.

”Our expectations are that the priority measures will still be passed before the current congress ends,” ani Pangulong Aquino sa Bombo Radyo.

Ayon naman kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nananawagan sila sa mga kaalyadong kongresista lalo ang mga hindi kasama sa prosekusyon na huwag pabayaan ang legislative functions.

Alalahanin umano ng mga concerned representatives na nakabantay sa kanila ang publiko at may pananagutan sila sa kanilang mga constituents.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter