'Embassies ng kidnap victims, naabisuhan na'

Tawi-TawiTawi-TawiIpinag-utos ngayon ng Malacañang sa mga security forces na gawin ang lahat ng makakaya para mailigtas ang dalawang European national na dinukot sa Tawi-Tawi City.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakatutok na ang mga otoridad at nagsasagawa ng rescue operations.
 
Ayon kay Valte, naabisuhan na rin nila ang mga embahada ng Holland at Switzerland kaugnay sa pagkakakidnap ng kanilang mamamayan.

Una nang kinilala ang mga biktima na si Elwold Horn ng Holland at Lorenzo Vinciguerra ng Switzerland.

Nangako naman ang Malacañang na magbibigay sila ng kaukulang updates sa mga concerned embassies kapag may development.
 
Magugunitang nananatili ang ‘no ransom policy’ ng gobyerno sa mga kidnapping cases.

“We have informed the embassies concerned and they will be updated on the situation,” ani Valte.

Iginiit naman ngayon ni Tawi-tawi Gov. Sadikul Sahali, isolated case lamang ang nangyaring pagdukot sa dalawang dayuhan sa kanilang lugar.

May ideya umano sila kung nasaan na ngayon ang mga biktima.

Ani Sahali, matagal na rin ang huling pangyayari sa ganitong insidente sa kanila.

Kung tutuusin ay pangalawang pagkakataon na ng mga dayuhan na bumisita sa kanilang probinsiya.

Nagbigay din ito ng paalala sa gustong magsagawa ng birdwatching na makipag-coordinate muna sa mga otoridad para mabigyan sila ng seguridad.

Bagamat peaceful naman sa kanilang lugar, hindi maiiwasang meron ding masasamang loob na nakahalo sa mga residente.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter