'Repatriation policy sa labi ni Rep. Iggy, aayusin'

Iggy ArroyoIggy ArroyoNakatakda umanong maglabas ng panuntunan ang Philippine Embassy sa London hinggil sa repatriation policy sa labi ni dating Negross Occidental Rep. Ignacio "Iggy" Arroyo.

Ito ay sa harap ng inaasahang "face off" ni Aleli Arroyo, ang legal wife ng mambabatas at ang kinakasamang si Grace Ibuna.

Ayon kay Ambassador Ricky Manalo, nagtalaga umano sila ng dalawang grupo na siyang mag-aasekaso sa pangangailangan ng dalawang ginang.

Kagabi, tumulak na ng London si Aleli para ayusin ang pagpapa-uwi sa labi ng mister. Si Consul General Bernie Fernandez umano ang itinalaga para kay Mrs. Arroyo habang si Deputy Chief of Mission Rey Catapang ang naatasang titingin kay Ibuna.

Nilinaw din ng embahada na walang departure honors silang igagawad sa namayapang mambabatas.

Bukas nakatakda ang repatriation sa labi ni Arroyo na pumanaw noong January 26 dahil sa sakit na liver cancer.

Batay sa naunang plano, una umanong ibuburol ang kongresista sa kanilang bahay sa La Vista, Quezon City, pagkatapos ay sa bahay naman ng kapatid na si dating First Gentleman Mike Arroyo at dadalhin din sa Kamara ang labi nito bago dalhin sa kaniyang distrito sa Negros Occidental.

Ililibing si Rep. Iggy sa Manila North Cemetery, katabi ng puntod ng kanilang ina.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter