'Alibis ni CJ Corona sa Makati condo unit, 'joke'

Chief Justice CoronaChief Justice CoronaHayagang tinawag na "joke" ni Department of Finance (DoF) Sec. Cesar Purisima, ang alibis ng depensa ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona, hinggil sa kinukuwestyong condo unit nito sa Makati City.

Sa isang mensahe, iginiit ng kalihim na obligado umano ang punong mahistrado sa ilalim ng batas na ideklara ito sa kaniyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) kahit wala pang "acceptance" ng nasabing real estate property.

Maalala na iginiit ng depensa ni Corona na hindi pa maituturing na pag-aari ng punong mahistrado ang isang unit sa The Columns, Ayala Avenue dahil hindi pa ito naililipat sa kaniya.

Pero paliwanag ni Purisima, maari umanong ideklara ni Corona ang nasabing ari-arian bilang "receivable" sa kaniyang SALN.

Sa pagindig kahapon, inihayag ng prosecution witness na si Nerissa Josef ng Ayala Land-owned Community Innovations, Inc, na nabayaran umanong buo ng mag-asawang Corona ang 48-square-meter unit noong March 2004 sa halagang P3.5 million.

Buwan ng Oktubre naman aniya nailabas ang deed of sale ng condo.

Pero iginigiit ng depensa na nagkaroon lamang ng "actual delivery and acceptance" ng unit noong June 7, 2008.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter