BSP, iaapela ang ruling sa Banco Filipino case

Balak pa umanong iapela ng Bangko Sentro ng Pilipinas (BSP) ang pinakahuling desisyon ng Court of Appeals na nag-uutos sa muling pagbubukas ng Banco Filipino Savings and Mortgage Bank (BF).

Ayon kay BSP Deputy Governor and General Counsel Juan de Zuniga Jr., kasalukuyan ng pinag-aaralan ng kanilang mga abogado ang nasabing CA ruling at pinaghahandaan ang mga posible nilang opsyon.

"Our lawyers are reviewing the decision of the Court of Appeals to determine the remedies available to us. Beyond this, we have no further comments," ani De Zuniga.

Batay sa January 27 ruling ng appellate court, idinideklara nitong labag sa batas ang paraan ng pagkakasara ng bangko dahil sa ilang isyung teknikal.

Pinagbigyan ng korte ang petition for certitorari and mandamus na inihain ng BF sa dahilan hindi nabigyan ng due process ang bangko nang isailalim sa receivership.

Iniutos din ng CA ang pagpapatupad ng rehabilitation plan para matiyak na mabilis na makakabawi ang BF mula sa negatibong sinapit nito dahil sa ilegal na pagpapasara.

Binigyan ng 30 araw ng CA ang BSP at Monetary Board para pagkalooban ang bangko ng financial assistance sa halagang nakasaad sa business plan para sa nabanggit na bangko.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter