73 patay sa football game stampede sa Egypt

clashes occurred after soccer match in Egyptclashes occurred after soccer match in EgyptCAIRO - Tinatayang 73 katao ang nasawi matapos mauwi sa riot ng mga football fans ang katatapos na soccer game sa Port City sa Egypt.

Ayon sa mga opisyal, sa mismong football stadium nangyari ang riot matapos ideklarang panalo ang team ng Al-Masry kontra sa Al-Ahly team sa score na 3-1.

Sinasabing nagkagulo ang mga fans ng dalawang football team kung saan nagbatuhan ang mga ito ng mga upuan at bato.

Maliban sa mga nasawi, nasa 1,000 katao ang sugatan at 150 rito ang nasa kritikal na kondisyon.

"It is the biggest disaster in the country's football history. This is unfortunate and deeply saddening," wika ni Egyptian deputy health minister Hesham Sheiha.

Nagkaroon din ng malaking sunog sa Cairo stadium bunsod ng insidente dahilan upang makansela na ang susunod sanang laban sa pagitan naman ng Zamalik at Ismaily teams.

Sa ngayon ay biniberipika pa ng pulisya kung may bahid pulitika ang pagsiklab ng riot.

Isang pag-aaral kasi ang nagsasabi na noong kasagsagan ng rebolusyon sa Ehipto laban sa napatalsik na si President Hosni Mubarak ay nagsimulang lumakas ang puwersa ng well-organized groups ng soccer fans para sa political change.

Malapit din umano sa puso ni Mubarak ang larong soccer dahil ito ang nagpasibol sa kanyang popularidad.

Napag-alaman na naging lower profile ang mga otoridad sa Ehipto mula nang bumaba sa puwesto si Hosni Mubarak. (CNN/Xinhua)


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter