Swiss at Dutch tourists, dinukot sa Tawi-Tawi

Tawi-Tawi mapTawi-Tawi mapNaglunsad na ng naval blockade ang mga otoridad laban sa mga suspeks na dumukot sa dalawang turista sa lalawigan ng Taw-Tawi, kahapon.

Kinilala ni Police Dir. Felicisimo Khu ng PNP Directorate for Integrated Police Operations in Western Mindanao ang mga biktima na si Elwold Horn ng Holland at Lorenzo Vinciguerra ng Switzerland.

Sinasasabing sinalakay ng mga armadong grupo ang barko na sinasakyan ng mga biktima habang ang mga ito ay nagbi-bird watching sa isla.

Nagawa naman umano ng Filipino guide ng mga biktima na makatalon sa dagat kung kaya't naiparating sa mga otoridad ang nangyaring pagdukot.

Sa hiwalay na ulat, sinisi naman ni Tawi-Tawi Gov. Sadikul Sahali ang nabanggit na tour guide dahil sa kabiguan umano nitong makipag-ugnayan sa mga otoridad bago isinagawa ang tour. Sa ngayon ay wala pa umanong grupo ang umaako sa pagdukot.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter