P181-M ng Grand Lotto, 'no winner' pa rin

lottolottoPatuloy ang paglobo ng jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito'y makaraang wala na namang nakakuha ng P181,040,792.40 na premyo ng nasabing lottery game.

Sa nasabing pagbola ay lumabas ang kombinasyong 12-15-10-46-01-18.

Ito na ang pinakamalaking pot money para sa taong 2012 at posibleng madagdagan pa kung hindi pa rin mapapanalunan sa mga susunod na araw.

Ang regular draw dates para sa Grand Lotto ay tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Samantala, mayroon na namang isang nanalo sa 6/45 Megalotto.

Ang six number combition ay binubuo ng 09-03-40-16-27-28 kung saan ang premyo nito ay P4,500,000.00.

Kung maalala, sa isinagawang Megalotto draw noong Lunes, isang taga Laguna at Ilocos Norte ang nanalo ng mahigit P42 million na jackpot prize.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter