Dahil sa dami ng mga taong nanood ng training ni Manny Pacquiao sa Peñalosa Gym kahapon, nagpatupad na ng close door policy ang Team Pacquiao.
Sinabi ng Canadian adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz, on track ang paghahanda ni Pacman at sa katunayan ay hindi umano naapektuhan sa halos walong oras na biyahe sa Baguio.
Kaninang umaga, sumalang sa morning road work ang pambansang kamao sa Rizal Memorial Sports Complex.
Ngayong hapon, sampung rounds ng sparring sessions ang ginawa ni Pacquioa kasama sina Urbano Antillon, Shawn Porter at Jose Luis Castillo.
Dagdag pa ni Koncz, sobra sobra na umano sila ngayon sa training dahil dibdiban ang ginagawa ng pound-for-pound king.
Sa Sabado ang nakatakdang pagtungo sa Amerika nina Pacquiao para doon tapusin ang dalawang linggong nalalabing training sa laban kay WBO welterweight champion Miguel Cotto.