Latest News
- 23 Pinoy mula Syria, inaasahang darating bukas sa bansa - DFA
- P32-M pinsala sa malaking sunog sa 3 barangay sa Tacloban
- INC talks ni P-Noy, kinampihan ng oposisyon sa Senado
- Naaantalang peace talks, kasalanan ng CPP-NDF - Palasyo
- Tupas at Fariñas para sa closing argument - prosec
- PCG, pinaigting na ang paghahanap sa PAF pilots
- Mga senador, itinangging nilapitan ng INC
- Seguridad, hihigpitan sa pagtestigo ni Corona sa Senado
- Kaguluhan sa Lady Gaga concert, di papayagan - Palasyo
- Walang masama sa pag-lobby ng INC para kay Corona - bishop
International News
Kung ‘di guilty, dapat dumalo ng SONA si GMA - Palasy
Nanghihinayang ang Malacanang sa sinasabing pagboykot ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.
Una ng sinabi ni Atty. Raul Lambino na papayuhan nito ang kanyang kliyente na huwag ng dumalo ng SONA dahi iinsultuhin at kukutayain lamang siya ni P-Noy.
Sinabi ngayon ni Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas, hindi naman puro batikos sa nakaraang administrasyon ang ilalahad ng Pangulo.
Ayon kay Llamas, ire-report din nito ang mga naitanim na binhi bagama’t hindi pa naaani ang bunga.
Iginiit pa ni Llamas na kung hindi rin umano guilty, dapat harapin ni GMA at pakikinggan ang mga akusasyon.
Hindi umano maiiwasang banggitin si GMA sa SONA dahil napakaraming problema at kaso ng katiwaliang iniwan nito sa siyam na taong panunungkulan.
Pero hindi umano nangangahulugang ito na ang pokus kundi ilalahad din ang mga nagawang reporma at saang direksyong tutungo ang bansa.
“Kung ‘di siya guilty, dapat harapin niya, pakinggan niya akusasyon,” ani Llamas.





