Latest News
- 23 Pinoy mula Syria, inaasahang darating bukas sa bansa - DFA
- P32-M pinsala sa malaking sunog sa 3 barangay sa Tacloban
- INC talks ni P-Noy, kinampihan ng oposisyon sa Senado
- Naaantalang peace talks, kasalanan ng CPP-NDF - Palasyo
- Tupas at FariƱas para sa closing argument - prosec
- PCG, pinaigting na ang paghahanap sa PAF pilots
- Mga senador, itinangging nilapitan ng INC
- Seguridad, hihigpitan sa pagtestigo ni Corona sa Senado
- Kaguluhan sa Lady Gaga concert, di papayagan - Palasyo
- Walang masama sa pag-lobby ng INC para kay Corona - bishop
International News
RP's Arnel Ferrera, gagawin ang lahat para sa inaasam na ginto sa Asiad
Ang bansang Japan at ang Tajikistan ang tinuturing na mabigat na kalaban ni Filipino gold medalist Arnel Ferrera sa nalalapit na 16th Asian Games na gaganapin sa Guangzhou, China sa darating na November 12 hanggang November 27.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa national athlete, sinabi nito na todo ang kaniyang paghahanda ngayon para matiyak ang panalo ng Pilipinas sa larangan ng athletics.
Si Ferrera ay nakapag-uwi ng apat na gold medals sa apat na South East Asian Games na sinalihan nito simula noong taong 2003.
"Para sa akin, mabigat na kalaban ang Japan kasi sila ang No. 1 at ang Tajikistan. Pero gagawin pa rin natin ang lahat para maka-uwi tayo ng gintong medalya sa ating mga kababayan," ani Ferrera.
Noong 25th SEA Games sa Laos, binasag ni Ferrera ang sarili nitong record kung saan nakapagtala ito ng bagong 61.62 meters na record sa hammerthrow.
"Sa mga nakikinig sa Bombo Radyo Philippines, sa Luzon, Visayas at Mindanao, sana po suportahan ninyo kami. Ipanalangin po ninyo na maganda ang aming kondisyon at kalusugan sa araw ng aming laro."





