Aalamin daw ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang dahilan ng “shreding” o ang paggiling ng mga dokumento sa opisina ni dating Department of Justice (DoJ) Sec. Vitaliano Aguirre II bago ito umalis sa kanyang opisina.
Ayon kay Guevarra, tatanungin din niya kay Aguirre kung anong klaseng dokumento ang mga giniling o ginupit ng maliliit na piraso.
Una rito, tumambad sa DoJ ang kaduda-duda at sako-sakong mga giniling na papel mula sa opisina ng justice chief na pinaghihinalaang naglalaman ng mga subersibong dokumento.
Dahil sa isyu, naglabas na rin ng statement ang dating kalihim at kinuwestiyon ang pagpapalabas sa nasabing balita.
Sa inilabas na statement ni Aguirre, tinawag nitong malisyoso ang pagkakasulat ng nasabing balita.
Ayon sa dating kalihim, hindi niya ipinag-utos kaninoman sa kanyanga mga tauhan na mag-shred ng mga dokumento sa huling araw niya sa DoJ.
Wala rin anya siyang nakikitang mali sa shredding ng papeles kung pawang basura na ang mga ito.
Paliwanag ni Aguirre, maaring ginawa ang shredding para bigyang daan ang pagpasok ng bagong kalihim.
Ginagawa din naman anya na regular ang shredding ng mga dokumento sa iba pang pampubliko at pribadong kumpanya.
Sa huli, bumanat pa ang dating kalihim at tinawag na irresponsible journalism ang pagbibigay kulay sa naging aksyon ng kanyang mga tauhan.
BNN Morning Edition | 04.25.2018
BNN Evening Edition | 04.24.2018
BNN Noontime Edition | 04.24.2018
BNN Morning Edition | 04.24.2018
BNN Evening Edition | 04.23.2018
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved