American actor Richard Gere
Masayang inanunsiyo ng actor na si Richard Gere ang pagiging ama niya muli sa edad 69.
Ito ay matapos na magsilang ng isang malusog na sanggol na lalaki ang asawa nitong si Alejandra Silva.
Hindi naman binanggit pa ng kampo ng actor ang ibang detalye ng sanggol.
Ikinasal ang actor at 35-anyos na asawa nito noong 2015.
Si Silva ay mula sa Spain na anak ng dating vice president ng Real Madrid Football Club na si Ignacio Silva.
Mayroon ng anak na 19-anyos ang actor mula sa unang asawa nito na si Carey Lowell ganun din si Silva mula sa dating asawang si Govind Friedland.
BNN Morning Edition | 02.20.2019
BNN Noontime Edition | 02.19.2019
BNN Morning Edition | 02.19.2019
BNN Evening Edition | 02.18.2019
BNN Noontime Edition | 02.18.2019
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved