Pinapurihan ng Malacañang ang Kongreso sa pagpasa ng Republic Act 11165 o Telecommuting Act, ang batas para sa “work from home scheme” ng mga nasa pribadong sektor.
Nakapaloob sa nasabing batas na maaaring magkaroon ng arrangement ang mga manggagawa sa private sector at kanilang mga employers para makapagtrabaho na sa bahay o alinmang alternatibong lugar gamit ang telecommunication o computer technologies.
Ayon sa batas, boluntaryo ang “work from home scheme” na mapagkakasunduan ng empleyado at employer at dapat payag ang dalawang partido.
Ang mga magtatrabaho sa “work from home scheme” ay tatanggap din ng kaparehong benepisyo, pasahod at overtime pay ng mga pumapasok sa opisina alinsunodsa batas ng paggawa o Labor Code.
Inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Telecommuting Act ay pagkilala sa makabagong workforce o manggagawang Pilipino.
BNN Noontime Edition | 02.19.2019
BNN Morning Edition | 02.19.2019
BNN Evening Edition | 02.18.2019
BNN Noontime Edition | 02.18.2019
BNN Morning Edition | 02.18.2019
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved